nineteen thirtythree
畱 Description of my family.

Ang aking pamilya ay laging masaya kapag sama-sama. Hindi ito perpekto kahit ang mga magulang ko. Wala kaming sapat na kayamanan para lubusang matupad ang pangarap namin na maayos na buhay pero sapat na upang makaraos araw-araw.

Si Ama ay masipag maghanapbuhay sa kabilang ibayo at katulad niya, ang gusto kong maging asawa. Ang aking ina ay maraming karamdaman pero hanggang ngayon ay malakas pa rin at lumalaban, masarap nga pala siyang magluto. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Ang sumunod sa akin ay isang babae na minsa’y mas matanda kung sa akin ay mag-isip. Ang pangatlo ay isang lalaki na sa awa ng Maykapal, makatapos  nawa ng kanyang pag-aaral para meron kaming Engineer. Ang bunso naman ay lalaki rin, trese anyos na mukang dota at tetris.

Ang aking pamilya - malungkot, masaya, magulo at kakaiba. Kahit ano pa yan, tanggap namin ang isa’t isa at sa bahay namin, kahit nagkukulang at sumasablay, ang Diyos pa rin ang siyang Bida.

Bow.

People I Met thru Tumblr. November 30, 2011.

Natuklasan kong mahiyain talaga ako at tumitiklop ang pagiging maingay sa unang eyeball (parang textmates lang). May mga tahimik at tongue-tied moments, pagkakataong hindi ko alam kung paano ko sila i-aaproach at natameme dahil hindi lang sa letra ko na sila nakausap. Personal ko nang nadinig ang HAHAHA na may kasamang halakhak, mas masarap sa tenga. Yung pagtawag nila sa akin ng ATE, ang paghawak sa balikat ko, ang pagyakap, ang mga kulitan – nakakapagpabata talaga sa edad kong sumusulong na.

Konektado. Biglaang plano. Masaya ako. Sana may susunod pa dahil gusto ko talaga kayong lubos na makilala. :)